Because I want to be full, ready and exact.

Home » Post Item » Hindi na mauulit

Hindi na mauulit

October 13, 2009

 

*****

 

Binabati ko ang sarili ko sa pananatiling buhay sa kabila ng di-pagtulog ng tatlong sunod-sunod na gabi, sa di pagbuwal sa kabila ng paglaklak ng mahigit 15 tasa ng kape, sa di paglalaslas sa kabila ng mga patong-patong na eksam, AVP shooting, extemporaneous speech, at final papers. Hindi matatawaran ang aking katangahan at sakripisyo para maisalba ang lugmok na reputasyon, maiwasan ang kahihiyan ng di-pag-graduate ngayong Oktubre, at maabot ang matatayog na pangarap na world peace.

 

Nawa’y ito na ang huling pagkakataon na gagawin ko ito. (Aking mga giliw na propesor, nagsusumamo akong ipasa ninyo ako!)

 

Maraming salamat sa aking sarili! Mabuhay ako!

 

* Maraming salamat din sa aking mga sponsor: Nissin, Kopiko, Nescafe, Tylenol, Microsoft, CD-R King, Meralco, Shell Philippines, Yamaha, Google at United Home.

 

** To VZ: Nanood pa ako ng Y Tu Mama Tambien sa lagay na yan! Sa’n ka pa? Kontra sa payo mo, ginawa ko siyang family affair. Use your powers of imagination na lang.

 

*** To others: Ang di-pagtulog ay rite of passage. Di nnyo ito maiiwasan.

 

[Narcissistic speech]

Posted by readingstation at 3:21 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment