Because I want to be full, ready and exact.

Home » Post Item » .

.

July 3, 2009

Pasensiya na. Ayoko lang na mapadali ang trabaho nila sa paggo-Google ng mga pangalan nila.

 

 

***

 

May Robinson’s Otis pala.

 

Kahapon narating ko ang Plaza Dilao (nilakad ko galing Otis). May monumento ng isang Hapon pala dun (kaya siguro “dilaw”).

 

***

 

Lalong lumalala ang pilay ko sa kanang sakong.

 

Muntik na akong mabuwal habang naglalaro ng badminton kahapon. Pero ayokong malaman nila. Kaya ko pa naman.

 

Pasensiya na sa ka-dobol ko sa badminton kahapon. Hindi rin ako makapaglaro ng maayos kasi nakakailang yung umpire. Ang cute niya (pati pangalan, cute rin)!

 

***

 

Nagkita kami ni Charles sa tambayan.

 

Parang kailan lang.

 

***

 

Ito na ang panlimang araw na hindi ako nananghalian. Hindi ako nakakaramdam ng gutom. Hindi ako nahihilo. Hindi ako hapo. Hindi masama ang pakiramdam ko.

 

Pero masakit sa kalooban ko na makakita ng pagkain at mga kumakain. 

 

Withdrawal symptoms?

 

***

 

Angie D: Isusumpa na kita bilang kaibigan ko pag bumagsak ka pa ng isang sabjek. Kailangan kang layuan, malas ka! (Syempre, hindi ko naman yun tototohanin. Chika lang).

 

***

 

Aba, MKule, ang taray ng 2 July issue ninyo! Keri na ang full-color at font size 12!

 

***

 

“AKO MISMO DI KO ALAM.”

 

Maganda man ang dogtag, utak aso pa rin.

Minsan, mukhang aso pa.

Posted by readingstation at 4:53 pm | permalink

Previous Comments

Na-mention na rin ako dito sa wakas. Haha!

Posted by Charles at July 6, 2009, 10:16 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment