Because I want to be full, ready and exact.

Home » Post Item » Rebyu umano

Rebyu umano

June 10, 2009

Dahil sa flu scare naurong ang klase sa susunod na linggo, ika-15 ng Hunyo. Hindi ako natutuwa. Sabik na sabik na akong pumasok, kunin ang aking baon tuwing umaga, at magkaroon ng dahilan upang hindi matokahan ng maraming gawaing-bahay. Dahil sa trangkaso na yan nawawalan ng pasok. Tanong ko lang, bakit pag nagka-epidemya ng pagtatae o dengue sa isang lugar ay hindi nababahala ang mga tao (pwera na lang kung sila ang biktima)?

 

 

Para malibang ang sarili, pinanonood ko ang mga sine at mga teleserye na mayroon ako at hindi pa napapanood at natatapos. Kaunti lang naman sila:
    Boys Over Flowers (seryeng pantelebisyon, Korea)
    1 Liter of Tears (seryeng pantelebisyon, Hapon)

 

Boys Over Flowers
Nasawa na rin ako sa kakapanood ng mga Koreanovela. Hindi makatotohanan ang mga istorya. Paulit-ulit. Palaging may love triangle.

 

 

1 Liter of Tears
Nakakaiyak nga siya. Nakakaawa kasi yung bida e (lalo na nung hindi na siya makasalita). Nagandahan ako sa mga kanta. Oo, mamamatay yung bida, pero after 10 years pa mula ng magkasakit siya. Tagal din siyang nagtiiis. Napangitan lang ako sa wakas ng kwento. May mga bagay akong hindi maintindihan (baka mas makahulugan yun para sa mga Hapon).

 

 

Sana makabasa/makakilala ng kahit 500 karakter sa wikang Tsino bago matapos ang taon na ito. Sa ngayon, 40 pa lang ang alam ko at kayang isulat. May hinahanap kasi ako sa internet na malamang ay mga Tsino lang sa Taiwan at mangilan-ngilang dayuhan lang ang nakakaalam. Sa tingin ko, makikita ko lang yun kung gagamit ako ng mga karakter sa sulat ng mga Tsino sa pagse-search.

 

 

Hindi rin natupad ang nais kong iskedyul ng pasok. Kaysa sumugal sa Speech 11 nag-Comm. III na lang ako. Mas bagay sa iskedyul ang Nat. Sci. 5 kaysa Nat. Sci. 4. At mabilis naubos ang mga slot para sa Human Resource Development kaya nag-DS 123 na lang ako.

 

Masokista siguro ako. Naghahanap ako ng sama ng katawan at kalooban.

 

 

Kaya ko ito. 頑張って[ganbatte]! 不到黄河心不死 [Bù dào Huánghé xīn bù sǐ]. Persist and never give up. Wala namang akong iba pang choice di ba?

 

 

Mahirap mag-Filipino sa paggawa ng isang post sa blog.

Posted by readingstation at 8:56 pm | permalink

Previous Comments

Korean dramas, parepareho plot. Buti na lang guwapo yung F4. Hehe.

Gusto ko yung song na kinanta ng buong klase sa 1 Litre of Tears.

Ako, 15 Kanji characters lang. LOL Good luck sa goal mo.

TOXIC mo. DS123, Sir Ponsaran. COMM3, kahit sino prof, toxic. Consolation yung NatSci5 kung si Ma’am Lacdan. Ok lang yon.

Mali, Jeric. Ang alam ko, ganbatte sasabihin mo kung directed towards a person. So ganbatte kudasai = please do your best. Ang tamang word dapat ganbatte masu. I’ll do my best. :D
So… Ganbatte!

Masaya mag-Filipino. Kahit hindi ako magaling. :D

Posted by vizzie at June 13, 2009, 8:19 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment